Monday, April 18, 2011

7 Last... Triviaaah


Tignan ko nga kung hanggang saan ko mapapaabot ito.

1. Ang Lent pala ay galing sa salitang “length.” As in… kesyo mahaba raw ang mga araw pag panahon ng Cuaresma (5AM palang kanina, maliwanag na— at hindi joke yung tungkol sa salitang length.)

2.
Cuaresma ang Spanish para sa 40. Forty days kasi mula Ash Wednesday hanggang Easter Sunday (wag lang bibilangin yung 6 Sundays in between.)

3.
Yung pinakamalaking street party sa Brazil na tinatawag na Mardi Gras (uy… nanood ng “Rio”) ay ginagawa sa Martes (Mardi) bago ang Ash Wednesday. Kumbaga, huling araw na daw kasi yun ng pagpapakasaya bago ang Cuaresma.

4.
Ang pagtatago o pagtatalukbong ng mga krus at rebulto sa mga simbahan kapag semana santa ay tinatawag na Passiontide o ang kwento sa verse (John 8:46-59) na isa sa mga readings pag ganitong panahon. Ito yung kwento kung pano kinailangang itago ni Jesus ang sarili nya kasi babatuhin na sya ng mga tao.

5.
For the record, ayaw ng mga bishops sa mga nagpepenitensya, lalo na yung mga nagpapapako. Officially kasi, ipinagbabawal yan sa mga Catholics. Ano kaya ang masasabi ng DOT? Carry lang daw :)

6.
Yung easter egg ay resulta ng pagbabawal noong araw hindi lang ng karne kundi pati ng gatas, keso at itlog habang Cuaresma. So pagdating ng Easter Sunday, pwede na ulit— kaya kanya-kanyang gimik pano i-welcome back ang tukneneng at kwek-kwek. (Wag atribida. Kaya itlog kasi siguro mahirap magpa-game ng easter milk at easter cheese.)

7.
Ang 7 Last Words ay hindi mababasa ng kumpleto at sunod-sunod sa Bible. Yung first word, parehong meron sa Matthew at Mark. Tapos, tigatlo na sa Luke at sa John. Total of seven.

Tama na. Sabi nga ng Nanay ko, pag masyado nang mahaba “aabutin ka ng Mahal na Araw.”

Happy Easter!

No comments: